NAGA CITY- Kinumpirma mismo ni Pili Mayor Tom Bongalonta na labis ang trauma na naranasan ng kanyang anak matapos ang nangyaring aksidente na imbwelto ang pagkamatay ng isang Retire Phil Army.
Una ng napabalita ang nasabing aksidente na ikinamatay ni Retired Phil Army Adrian Dionson Villasor, ito’y matapos na bumanga ang motorsiklo na sinasakyan nito sa kotse naman na minamaneho ng anak ni Bongalonta na si Analyn Bongalonta.
Sa panyam ng Bombo Radyo Naga ki Mayor Bongalonta sinabi nito na matapos ihatid ng mga otoridad ang kanyang anak nakita nito na labis ang panginginig nito dahil sa takot.
Samantala personal naman umanong nagtungo sa burol ni Villasor ang nasabing alkalde upang ipaabot ang kanyang pakikiramay.
Ngunit ayon dito hindi na nagawang mag tungo pa ng kanyang anak sa burol dahil narin sa trauma nararanasan nito.
Sa ngayon hayaan nalamang umanong i-daan sa legal na pag-uusap sa korte ang nasabing kaso.Top