Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang Indian na babae ang kamakailang lang naghain ng deborsiyo sa kanyang asawa matapos ang 40 araw ng kanilang kasal dahil isa o dalawang beses lamang ito naliligo sa isang buwan.

Ang nasabing babae ay mula sa Agra, sa Uttar Pradesh state ng India, pumunta sa local family counseling center upang ireklamo ang patungkol sa poor personal hygiene ng kanyang asawa an sinabi na minsan lamang kung maligo, nagsusuot ng madumong damit at mayroong bad breath ang kanyang asawa.

Hindi umano nito kayang makatabi ang asawa at maging intimate dito.

Dahil sa mga nabnggit na rason, makaraan ang 40 days ng kanilang kasal, naghain ng deborsyo ang babae.

Samantala, nang tinanong naman ng counseling center ang asawa ng babae, inamin nito na isa o dalawang beses lamang ito naliligo at gumagamit ng holy water mula sa river Ganges isang beses sa isang Linggo.