NAGA CITY- Wala nang buhay ng matagpuan ang katawan ng isang babae sa isang sakahan sa Maharlika Highway, Brgy. Lag-On Daet Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Angelica Sorio 28-anyos residente ng Holiday Homes Subdivision sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, pinaniniwalaang habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng nasabing lugar ng aksidente itong mawalan ng kontrol.

Kaugnay nito, nalaglag sa sakahan ang biktima pati ang minamaneho nitong motorsiklo.

Sa pagkalaglag ng biktima, pinaniniwalaang dahil sa pressure ng motorsiklo lumubog ito sa maputik na parte ng sakahan na siyang itinuturong rason ng pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.