NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang babae sa Sitio Bangbang 1, Barangay, Yawe, Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Imelda Santos, 52-anyos residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakatanggap ng tawag mula sa kapitan ng nasabing lugar ang Burgos Municipal Police Station hinggil sa natagpuan na katawan ng isang babae sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nadiskubre ang katawan ng biktima sa loob ng isang cabinet sa loob ng kanyang bahay at pinaniniwalaang pinagsasaksak pa ito dahil sa tinamo nitong mga sugatsa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng agaram nitong kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.