NAGA CITY – Patay ang isang backrider ng motorsiklo habang sugatan naman ang driver nito matapos na mabangga ng isang truck sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Fatima Ilan Sentin habang ang sugatan naman na si Michael Javier Sentin, parehas 28-anyos at residente ng San Roque, Vinzons, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Michael ang Maharlika Highway pasiring sa Maynila ng mabangga ito ng kasunodan na truck na minamaneho naman ni Edwin Lazarte Canilo, 45-anyos, residente ng 14 Marcel drive Sangadaan, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman sanang dinala sa ospital, ngunit ideklara ring dead-on-arrival ng doktor si Fatima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.