Dumating na sa Pilipinas ang pinakabagong offshore patrol vessel ng Philippine Navy na BRP Lakandula, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa maritime security operations.

Sa isang pahayag ngayong Sabado, sinabi ng Philippine Navy na pormal na sinalubong ang pagdating ng BRP Lakandula sa isang seremonya sa Naval Operating Base-Subic noong Mayo 8, 2026.

Ang barko, na ginawa ng HD Hyundai Heavy Industries, ay dumating sa bansa noong Mayo 4, 2026 at inaasahang pormal na iko-commission sa susunod na petsa.

Ayon kay Philippine Navy Vice Admiral Caesar Bernard Valencia, ang pagdating ng barko ay simbolo ng patuloy na pagpapalakas ng hukbong dagat ng Pilipinas.

Advertisement

“When this ship sails, the spirit of Rajah Lakandula sails with it — steadfast, wise, and unyielding. We are telling the world that we are a peace-loving nation. Our resolve to protect what is ours is as deep as the trenches of the Philippines,” ani Valencia sa kanyang keynote speech.

Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng pangalan ng barko na hango kay Rajah Lakandula, isang pre-kolonyal na pinuno ng Tondo na kinikilala bilang simbolo ng katapangan at liderato sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Navy, ang pagdating ng BRP Lakandula ay patunay ng kanilang commitment na palakasin ang presensya ng bansa sa karagatan at mapanatili ang seguridad sa maritime domain.

Dagdag pa ng hukbong dagat, ang bagong asset ay magpapahusay sa kanilang kakayahan na bantayan ang teritoryong pandagat ng Pilipinas at suportahan ang mga layunin sa pambansang seguridad.

Advertisement