NAGA CITY- Nasunog ang bahay ng isang senior citizen sa Barangay Cararayan, Naga City.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Andres Arabaca, 84-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Arabaca, sinabi nito na nangg mangyari ang nasabing sunog, wala ito sa kanyang bahay dahil nagtatrabaho umano ito.

Aniya, wala na rin umano itong kasama sa kanyang bahay.

Ngunit, hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog gayundin ang kabuuang halaga ng pinsala ng nasabing insidente.

Gayunpaman, wala namang nadamay o nasaktan pa sa pangyayari, kung saan inabot pa umano ng nasa 20 minutos bago naapula ng Bureau of Fire Protection ang nasabing sunog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.