NAGA CITY- Patay na at nagpapalutang- lutang ang katawan ng isang babae nang matagpuan sa ilog na sakop ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, sinasabing pasado 8:30 ng umaga noong Sabado ng makatanggap sila ng tawag na may bangkay ng isang babae na palutang lutang sa Purok Riverside sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, agad namang rumesponde ang mga otoridad sa naturang lugar.

Samantala, pinaniniwalaan namang nadulas ang babae sa ilog na naging dahilan ng pagkalunod at pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon at eksaminasyon ng mga otoridad sa bangkay para sa agarang pagkakakilanlan nito.