NAGA CITY – Patay at naagnas na ang katawan ng isang lalaki ng matagpuan sa Barangay Lower Omon, Ragay Camrines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marlon Ramires, 50-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na bibisita sana sana sa bahay ng biktima ang mag-asawa na fishpond operator na sina Crisanta Ramirez,73-anyos at Manuel Ramirez, 74-anyos ng matagpuan ng mga ito ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa loob ng isang kubo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, wala naman umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa katawan ni Ramires at pinaniniwalaang atake sa puso ang ikinamatay nito.

Samantala, isinailalim naman sa necropsy ang katawan ng biktima.