NAGA CITY – Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang senior citizen sa loob mismo ng bahay nito sa Purok 7, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Teresita Reyes, 61-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap ng ulat mula sa dalawang barangay tanod sa lugar ang Sta. Elena Municipal Police Station hinggil sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na mag-isa lang na nakatira sa kaniyang bahay si Reyes.

Nabatid din na iniinda ng biktima ang sakit nito na myoma at sakit sa puso na pinaniniwalaang naging dahilan ng pagkamay nito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.