NAGA CITY- Patay ang isang barangay kapitan matapos pagsasaksakin sa Barangay Bustrac, Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Barangay Captain Teopilo Braga, residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl Ronald Peregrino, tagapagsalita ng Nabua MPS, sinabi nito na habang nag naglilibot sakay ng kanyang motorsiklo ang nasabing kapitan ng makita nito ang suspect na kinilanang si Domingueto Quipo, na nasa labas ng kanilang bahay sa kabila ng ipinapatupad na curfew.
Dahil dito ay kinompronta ito ng biktima ngunit bigla nalamang itong sinaksak ng suspect, nagtamo ito ng sugat sa tiyan resulta upang agad itong dinala sa ospital ngunit idineklara na ng mga doctor na dead on arrival.
Ayon kay Peregrino, napagalaman na may deperensya sa pag-iisip ang suspect kung kaya nagawa nito ang nasabing krimen.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspect para sa karampatang disposisyon.