Muling ipinamalas ni Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski ang yaman ng kulturang Pilipino sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng isang silk creation na dinisenyo ni Jaggy Glarino para sa kanyang ikaapat na araw sa Puerto Rico.

Hango ang naturang kasuotan sa tradisyonal na disenyo ng kumot na karaniwang makikita sa mga tahanang Pilipino at bahagi na ng alaala ng maraming henerasyon.

Sa pamamagitan ng kakaibang likha, ipinagmalaki ni Bea ang kanyang pinagmulan at ang kulturang Pilipino na kanyang kinakatawan sa international competition.

Samantala, isinagawa rin ang orientation ng mga kandidata bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na kompetisyon.

Advertisement
Advertisement