Ipinamalas ni Miss Universe Philippines Bea Millan Windorski ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng isang kakaibang kasuotan bago ang inaabangang Miss Universe finals ngayong Miyerkules, Nobyembre 25.
Ang kasuotang dinisenyo ni Jaggy Glarino ay nagtatampok ng makukulay na beadwork na sumasalamin sa tradisyonal na sining ng mga T’boli sa South Cotabato. Pinaghalo rito ang katutubong disenyo at makabagong estilo, na binigyang-diin ng malalapad na butterfly sleeves.
Ibinahagi ni Windorski na nais niyang maitanghal sa buong mundo ang kagandahan at yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang kasuotan sa prestihiyosong kompetisyon.
Advertisement










