Ipinamalas ni Miss Universe Philippines Bea Milla Windorski ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang kasuotan sa ikalawang araw ng kanyang aktibidad sa Puerto Rico.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Windorski na nakabatay sa tradisyonal na paghahabi ng mga basket sa Pilipinas ang konsepto ng kanyang kasuotan, na binigyan ng panibagong anyo gamit ang makabagong disenyo.

Gumamit ng mga manwal na hinabing piraso ng lamé upang mabuo ang natatanging kasuotan na nagpapakita ng husay, pagkamalikhain at talento ng mga Pilipino sa paggawa ng mga likhang-sining.

Advertisement