NAGA CITY – Hindi pa rin umano makapaniwala hanggang ngayon si Patrick Henry Lucovice matapos na kilalanin bilang Top 1 sa isinagwang Geologist Licensure Examination.
Si Ludovice, ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Geology sa Partido State University noong taong 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Patrick, sinabi nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa karangalan na tinamo nito, at nasa panahon pa rin ito ng pag-catch up sa mga nangyari kung kaya wala pa umano ito sa celebration stage.
Aniya, isa sa mga naging inspirasyon nito para mag-aral ng Geology ay dahil na rin sa pagkahiling nito sa siyensya.
Maliban pa dito, gusto rin umano ni Patrick na makapagtravel kung kaya kinuha nito ang kursong BS Geology at iniwan ang dati nitong kursong Pharmacist.
Samantala, bilang paghahanda bago ang nasabing eksaminasyon, nagkulong umano si Patrick sa kanyang kwarto sa loob ng tatlong buwan upang makapag focus sa pagrereview.
Ayon pa dito, nagkaroon rin ito ng mahabang panahon na hiatus sa pagrereview matapos na makansela ang eksaminasyon noong nakaraang taon.
Naging inspirasyon rin umano ni Patrick upang makamit ang tagumpay ay ang kanyang pamilya, nobya at mga kaibigan.
Maaalala na ayon sa inilabas na resulta ng eksaminasyon ng Professional Regulation Council nag top si Ludovice na mayroong overall rating na 82.2%.
Paalala naman nito sa mga nagbabalak na mag-aral ng Geology na huwag magpasilaw sa laki ng sweldo o anupaman na dahilan, dapat umanong pag-aralan ng isang estudyante kung ano ang gusto nito o kung ang passion nito upang makamit ang anuman na pinapangarap ng mga ito sa buhay.