Kakaunti na lamang ang mga pasahero sa North Port Passenger Terminal ngayong Semana Santa, bunsod ng pagbawas ng biyahe ng mga shipping company dala ng tumataas na presyo ng petrolyo, ayon sa Philippine Ports Authority.

Ayon sa PPA, binawasan ng halos 10% ang mga biyahe ng barko, kaya mas mababa ang bilang ng pasaherong bumiyahe kumpara sa nakaraang taon. Sa datos, umabot sa 194,606 ang naitalang pasahero nitong nagdaang linggo sa buong bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ng PPA na may sapat pa ring biyahe upang maisakay ang mga pasahero. Ilan sa mga nakatakdang biyahe mula North Port Terminal ay patungong Cebu at Ozamis ngayong hapon, at handa namang maghintay ang ilang pasahero.

Para masiguro ang maayos na biyahe, nakaantabay ang help desk ng PPA para sa mga katanungan at tulong ng mga pasahero.

Advertisement
Advertisement