NAGA CITY- Patay ang isang binatilyo habang sugatan naman ang isang babae matapos mabangga ng bus ang sinasakyang motorsiklo sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Christian Flores, 18-anyos, habang ang sugatan ay si Nechita Gasis, 53-anyos, residentes ng Falcon St. Modern Village, San Jose, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang paliko sa kanang parte ng kalsada papunta sa Modern Village ang motorsiklo na pigmamaneho ni Flores nang mabangga sa likod ng bus na pigmamaneho rin ni Benjamin Montes Jr., 54-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Maybocog, Maydulong, Eastern Samar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na dahil sa impact ng insidente, agad na binawian ng buhay si Flores habang nagtamo rin ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan si Gasis.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.