Nagpahayag ng pasasalamat ang P-pop girl group na BINI sa kanilang mga tagahanga matapos ang matagumpay na unang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival.

Sa kanilang Weverse post, ibinahagi ng BINI ang mensahe ng pasasalamat kasabay ng mga larawan matapos ang kanilang Weekend 1 performance sa global music festival.

“BINI Coachella Week 1, done! Thank you for the overwhelming love and support! We hope we made you proud. 2, 3, salamat po!” ayon sa grupo, kalakip ang Philippine flag emoji.

Itinala ng BINI ang kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino at P-pop girl group na nakapag-perform sa Coachella stage noong Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas).

Advertisement

Nakatakda silang bumalik para sa ikalawang weekend ng festival sa Abril 17 (Abril 18 sa Pilipinas).

Matapos nito, magtatanghal din ang grupo sa Grammy Museum para sa “Global Spin Live!” series sa Abril 21 (Abril 22 sa Pilipinas), bilang bahagi ng kanilang international schedule.

Advertisement