Ipinasa na sa Bureau of the Treasury ang mahigit Php 100 milyon na kinita mula sa auction ng mga sasakyan na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, ayon sa Bureau of Customs.
Ayon sa BOC, naibenta ang siyam sa 13 luxury vehicles na nasamsam mula sa mag-asawa, na konektado sa kontrobersyal na flood control contracts.
Isinailalim sa public auction ang mga sasakyan alinsunod sa umiiral na patakaran upang ma-convert ang nakumpiskang ari-arian bilang kita ng pamahalaan. Tiniyak ng ahensya na ang proseso ay legal at transparent, at ang kabuuang kita ay opisyal nang inilagay sa BTr.
Advertisement














