Personal na nagtungo si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia sa Lungsod ng Legazpi, Albay upang pangunahan ang voter registration activity sa isang unibersidad bilang bahagi ng kampanya ng ahensya na hikayatin ang publiko, partikular ang kabataan, na magparehistro bilang mga botante.

Nagsimula nitong Lunes, Nobyembre 10, ang muling pagbubukas ng voter registration bilang paghahanda sa 2028 National and Local Elections.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Garcia ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa bansa.

Ayon sa voter’s registrationvoter’s registration, sa tinatayang 71 milyong botante sa Pilipinas, nasa 45 milyon ang kabilang sa sektor ng kabataan. Inaasahan pa aniyang madaragdagan ang bilang na ito habang nagpapatuloy ang pagpaparehistro sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Advertisement

Nagpahayag din si Garcia ng pag-asang mapapanatili o malalampasan pa ang naitalang 81.65 porsiyentong voter turnout noong 2025 elections, kasabay ng inaasahang mas aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa susunod na halalan.

Dahil dito, muling nanawagan ang opisyal sa mga kabataan na samantalahin ang pagkakataong magparehistro at gamitin ang kanilang karapatang bumoto upang magkaroon ng mahalagang papel sa pagpili ng mga magiging lider ng bansa.

Advertisement