Photo©web

Mariing itinanggi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang posibilidad ng isang “no-election” scenario sa 2028 na magpapalawig umano sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ni Garcia ang pahayag bilang tugon sa naging pahayag ni Senadora Imee Marcos kaugnay ng umano’y posibilidad na hindi matuloy ang halalan sa 2028.

Ayon sa Comelec chief, imposibleng mangyari ang “no-election” dahil malinaw na nakasaad sa Konstitusyon ang pagsasagawa ng regular na halalan.

“‘No-el 2028’ will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year,” ani Garcia.

Advertisement

Dagdag pa niya, wala umanong contingency plan para sa kanselasyon ng eleksyon dahil tiyak na matutuloy ito alinsunod sa batas.

Sinabi rin ni Garcia na nagsimula na ang Comelec sa paghahanda para sa 2028 presidential elections kahit dalawang taon pa bago ito idaos.

Kabilang sa pinag-aaralan ng ahensya ang automation ng halalan, muling pagbubukas ng voter registration, at pagbalangkas ng mga bagong rules at guidelines para sa eleksyon.

Nauna nang pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin ng “no-election scenario,” habang tinawag naman ito ng Malacañang na isang “diversionary tactic.”

Advertisement