NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Rico Hernandez Nicolan, 36-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Provincial Office, nabatid na natagpuan na lang ang katawan nito na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na depression dahil sa pagkakautang ang nakikitang dahilan ng biktima sa pagpapatiwakal.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.