NAGA CITY- Nakatakdang magkaroon ng isang pagtitipon mamayang 3:00 ng hapon ang COVID-19 task force sa lungsod ng Naga.

Layunin nitong pag-usapan ang iba pang hakbang na kailangang ipatupad kaugnay ng tumataas na bilang ng mga apektado ng COVID-19 sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Nelson Legacion, sinabi nitong na inimbitahan nila ang mga representatves mula sa Bicol Medical Center (BMC) upang makuha ang kanilang panig sa nasabing isyu.

Ayon kay Legacion, ang nasabing ng ospital an napiling tumanggap sa mga pasyente na mga apektado ng nasabing sakit.

Kaugnay nito, mahigpit umano ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa management ng ospital.

Sa kabila nito, siniguro ni Legacion na ginagawa ng mga otoridad ang lahat ng kanilang makakaya upang maiwasan ang nasabing sakit sa lungsod.