Dinakip ng mga awtoridad ang dalawang lalaki dahil sa umano’y tangkang ilegal na pagpasok sa Anmer Hall, ang country residence nina Prince William at Princess Catherine sa Sandringham.
Nagsagawa ng operasyon ang mga pulisya ng Norfolk matapos makatanggap ng ulat tungkol sa mga kahina-hinalang indibidwal na namataan sa paligid ng nasabing lugar.
Nagpakalat ang mga awtoridad ng mga asong tagasubaybay, drone at helicopter upang masuyod ang lugar hanggang sa matagpuan at maaresto ang dalawang suspek.
Walang tao sa loob ng tahanan nang maganap ang insidente.
Hindi regular na tinitirhan ng mag-asawa ang Anmer Hall dahil ginagamit lamang nila ito bilang pahingahan tuwing bakasyon at mga holiday.
Ang naturang bahay ay may sampung kuwarto at ipinagkaloob sa mag-asawa ng yumaong Queen Elizabeth II bilang regalo sa kanilang kasal noong 2011










