Pormal nang napili ang United Kingdom upang pangasiwaan ang 2035 FIFA Women’s World Cup, kung saan magsisilbing punong-abala ang England, Northern Ireland, Wales at Scotland.
Kinumpirma ng FIFA ang pagpili sa apat na bansa matapos pagtibayin ang kanilang pagiging co-host sa ginanap na pagpupulong sa punong tanggapan ng organisasyon sa Zurich.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang UK ng Women’s World Cup, mula nang idaos sa bansa ang men’s football tournament noong 1966.
Aabot sa 48 koponan ang maglalaban-laban sa 104 na mga laro na nakatakdang isagawa sa loob ng 39 araw.
Advertisement
Kasabay ng anunsyo, inilatag din ng pamahalaan ng UK ang layuning mahikayat ang tinatayang isang milyong kababaihan na makilahok sa larong football.
Advertisement














