Nasakote ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang indibidwal na kabilang sa DILG-level Most Wanted Persons list sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City at Rosario, Cavite noong Nobyembre 28.

Ayon sa ulat, ang isa sa mga suspek ay nahaharap sa kasong murder, habang ang ikalawa naman ay may apat na kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention with Ransom. Kapwa walang inirekomendang piyansa ang mga kasong isinampa laban sa kanila.

May nakalaan ding P600,000 na pabuya para sa impormasyon at pagkakadakip sa isa sa mga suspek na kabilang sa DND-DILG Most Wanted Persons list.

Isinagawa ang dalawang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng PNP at pagpapatupad ng mga kaukulang warrant of arrest laban sa mga suspek.

Advertisement
Advertisement