Pumanaw noong Abril 12 ang dating Philippine basketball standout at two-time Olympian na si Edgardo Roque sa edad na 88, ayon sa basketball community sa bansa.

Si Roque, dating varsity player ng Jose Rizal University Heavy Bombers, ay sumabak sa commercial basketball sa MICAA, kung saan naglaro siya para sa Ysmael Steel (1958–1963), YCO Painters (1964–1970), at Mariwasa (1971–1973).

Sa international stage, naging mahalagang bahagi siya ng Philippine national basketball team na lumahok sa ilang malalaking torneo, kabilang ang 1960 Rome Olympics at bilang bahagi ng pool para sa 1968 Mexico Olympics bilang alternate.

Isa rin siya sa mga tumulong sa Pilipinas upang makuha ang gintong medalya sa 1962 Asian Games, at lumahok sa iba’t ibang FIBA Asia Championships noong 1960s, kabilang ang 1963, 1965, at 1967 editions.

Advertisement

Nakalaro rin siya sa 1964 Pre-Tokyo Olympic qualifiers at naging bahagi ng 1967 FIBA Asia Championship-winning Philippine team.

Kinilala si Roque bilang isa sa mga mahalagang pigura ng ginintuang panahon ng Philippine basketball, na nag-iwan ng malaking ambag sa tagumpay ng bansa sa international competitions.

Advertisement