Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa sa pinakamahalagang legasiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng panunungkulan nito bilang tagapangulo ng ASEAN ngayong 2026 ang pagsusulong at pagsasapinal ng Digital Economy Framework Agreement o DEFA.

Ayon sa Pangulo, hindi naging madali ang pagbuo ng kasunduan dahil dumaan ito sa ilang buwang paghahanda, konsultasyon at serye ng mga pagpupulong kasama ang mga miyembrong bansa ng ASEAN simula Enero ng taong ito.

Binigyang-diin din ni Marcos ang kooperasyon at pagiging bukas ng bawat miyembrong bansa sa pagbuo ng isang kasunduang magtatakda ng kani-kanilang responsibilidad at kontribusyon para sa pag-unlad ng rehiyon.

Advertisement

Layunin ng kasunduan na higit pang palakasin ang pagtutulungan ng mga bansa sa ASEAN, partikular sa pagbabahagi ng enerhiya, pagsusulong ng renewable energy, paghahanda sa posibleng krisis sa langis at pagpapatatag ng suplay ng pagkain.

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga bansang kasapi upang maisakatuparan ang mga konkretong hakbang tungo sa pangmatagalan at sustenableng kaunlaran ng rehiyon.

Advertisement