Pinuri ni US President Donald Trump si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa matagumpay na pagho-host ng 49th ASEAN Summit.

Sa isinagawang banquet dinner na dinaluhan ng iba’t ibang world leaders, personal na binati ni Trump ang Pangulo at ipinahayag ang paghanga sa maayos na pagsasagawa ng naturang summit.

Ibinahagi rin ng US President ang paghanga niya sa anak ng Pangulo na si Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, na sumalubong sa kaniya pagdating sa Villamor Airbase.

Advertisement

Ayon kay Trump, tila nasa dugo na ng pamilya Marcos ang pagiging matagumpay. Nabanggit din niya na personal niyang nakilala noon ang ama ng Pangulo na si dating President Ferdinand Marcos Sr.

Hinimok din ni Trump si Pangulong Marcos na ipadaan kay US Secretary of State Marco Rubio ang anumang kahilingan o pangangailangan nito. Pabirong sinabi pa ng US President na sisibakin niya si Rubio kapag hindi nito pinansin ang kaniyang mensahe.

Samantala, inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Trump at Marcos sa kanilang pagdalo sa APEC Summit na gaganapin sa China.

Advertisement