Inaayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi ng 26 na Filipino na naiipit sa giyera sa Gitnang Silangan, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), isang bata, at tatlong turista.
Ayon sa DMW, nakatawid na ang grupo sa Tab Border, Egypt at nabigyan ng tulong mula sa Philippine Embassy in Cairo upang maiproseso ang kanilang immigration requirements.
Binigyan naman sila ng pansamantalang matutuluyan ng DMW-OWWA Rapid Response Team habang inaayos ang kanilang flights pabalik sa Pilipinas.
Magugunitang noong Huwebes, Marso 19, dumating sa bansa ang 317 na mga Filipino. Sa kasalukuyan, aabot na sa 2,099 ang mga OFWs at kanilang dependents na nakauwi na dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.
Advertisement
Advertisement














