Photo © web

Nagpaalala ang Department of Health sa publiko na maging maingat at panatilihing ligtas at malusog ang paggunita ng Semana Santa upang maiwasan ang anumang sakit o sakuna.

Ayon sa DOH, mahalagang paghandaan ng mga biyahero ang kanilang paglalakbay, lalo na ang mga magtutungo sa mga simbahan para sa Visita Iglesia. Pinapayuhan ang publiko na magdala ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, gamot, pagkain o snacks, at payong upang makaiwas sa init ng panahon.

Dagdag pa ng ahensya, makabubuting magdala rin ng ekstrang damit, pamaypay o portable fan, insect repellant, alcohol, at facemask upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan habang nasa biyahe o dumadalo sa mga aktibidad.

Pinaalalahanan din ang publiko na agad tumawag sa National Emergency Hotline 911 sakaling mangailangan ng agarang tulong.

Advertisement

Ang Semana Santa ay isang mahalagang taunang paggunita para sa mga Katoliko, kung saan isinasagawa ang iba’t ibang tradisyunal na aktibidad na dinarayo hindi lamang ng mga lokal kundi maging ng mga dayuhang turista.

Advertisement