Itinanggi ni Department of Justice Secretary Frederick Vida na mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang utos para ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay Vida, ang hakbang ay bahagi lamang ng pagpapatupad sa warrant na kinikilala umanong “valid,” lalo na matapos na walang inilabas na temporary restraining order ang Supreme Court of the Philippines.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na maaari nang isagawa ng mga awtoridad ang implementasyon ng warrant laban sa senador.

Sa isinagawang pulong balitaan ng DOJ, inanunsyo rin ni Vida na inatasan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation na arestuhin si Dela Rosa.

Advertisement

Layon umano ng direktiba na maidala ang senador sa ICC upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Gayunman, wala pang tiyak na kasagutan ang DOJ kung saan agad dadalhin si Dela Rosa sakaling maaresto ng mga awtoridad.

Advertisement