NAGA CITY – Patay ang isang drug personality matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang anti illegal drug operation sa Zone 2, Brgy. San Agustin, Pili Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Regino Baylon 44-anyos.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Pili, napag-alaman na unang ipinasailam sa operasyon ang suspek ngunit natunogan nito na pulis ang kanyang katransaksyon.

Kaugnay nito agad na bumunot ng caliber 45 na baril si Baylon at sinubukang paputukan ang mga otoridad.

Ngunit naunahan ito ng operating team na naging daan ng kanyang agarang kamatayan.

Samatanla nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang kasamahan ng suspek.

Kasama sa mga nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang isang 1000 peso bill at dalawa pang medium size plastic sachet na may laman ng pinaniniwalaang shabu.