Photo © web

Tiniyak ng Department of Trade and Industry na mananatiling walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang Abril 15, ngunit nagbabala na posibleng magkaroon ng pagtaas sa ilang produkto simula Abril 16.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque, matapos ang pakikipagpulong sa mga manufacturer, walang ipatutupad na price increase sa basic necessities at prime commodities sa kasalukuyan. “There is no price increase for basic necessities and prime commodities until April 16. [After that] definitely we can expect some price increase but not for all,” ani Aldeguer-Roque.

Dagdag pa niya, may ilang manufacturer na nangakong hindi magtataas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin hanggang katapusan ng Abril. “Nag-usap kami ng manufacturers and yung ibang basic necessities and prime commodities wala po silang price increase up to the end of April,” dagdag niya.

Nagpabatid ang kalihim na maglalabas ang DTI ng karagdagang impormasyon bago sumapit ang Abril 16 upang ipaalam kung aling mga produkto ang posibleng maapektuhan ng inaasahang pagtaas ng presyo, upang maging handa ang mga mamimili.

Advertisement
Advertisement