Naghain ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Sarah Elago laban sa isang hindi pinangalanang abogado matapos umano itong magbigay ng komento na nakakasira sa integridad ng isang babae.

Isinumite ni Elago ang reklamo sa Commission on Bar Discipline ng IBP. Hindi na nito pinangalanan ang naturang abogado bilang paggalang sa umiiral na confidentiality ng mga disbarment proceedings.

Ayon sa mambabatas, ang pagsasampa ng kaso ay hindi lamang para sa kaniyang personal na kapakanan kundi para rin sa mas malawak na layunin na ipaglaban ang paggalang sa kababaihan.

Iginiit ni Elago na mahalagang managot ang mga propesyonal, lalo na ang mga abogado, sa kanilang mga pahayag at kilos lalo na kung ito ay nakakasira sa dangal ng iba.

Advertisement

Dagdag pa niya, ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya upang matigil na ang maling pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan sa lipunan. Aniya, kailangang magsilbing halimbawa ang mga nasa legal na propesyon sa pagtataguyod ng respeto, integridad, at pananagutan.

Advertisement