NAGA CITY – Patay ang isang electrician matapos na makuryente sa San Antonio, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rizal Almiñana, 51-anyos residente ng Barangay Cotta, Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakasakay sa likurang bahagi ng boom truck ang biktima at ang kasama nitong kinilalang si John Zaibhen Gonzales at nag-aayos ng isang solar lamp ng aksidenteng makatama ang hawak na solar ni Gonzales sa isang live wire na nagresulta sa pagkakakuryente ng dalawa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad naman sanang dinala sa pagamutan si Almiñana ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad na nasabing insidente.