NAGA CITY – Nakubkob ng militar ang encampment ng mga New People’s Army (NPA) sa Tri-Boundary ng mga bayan ng Del Gallego, Ragay at Lupi, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Ricky Anthony Aguilar, chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, sinabi nitong nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang tinatayang nasa 20 mga rebelde.

Tumagal aniya ng halos 30 minuto ang palitan ng putok ng dalawang panig bago tuluyang tumakas ang mga rebelde.