Nag-aalok ng hanggang $200,000 (mahigit P12 milyon) na pabuya ang FBI para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magtuturo sa kinaroroonan ng dating U.S. Air Force intelligence specialist na si Monica Witt upang agad siyang maaresto.

Ayon sa FBI, si Monica Witt ay pinaghahanap kaugnay ng kasong espionage o pang-espiya pabor sa Iran na isinampa noong 2019. Naniniwala ang ahensya na posibleng naninirahan o nagtatago na siya sa Iran simula pa noong 2013 matapos lumabas ang mga ulat na umalis siya sa Estados Unidos.

Sinabi ni Daniel Wierzbicki, special agent in charge ng FBI Washington Field Office’s Counterintelligence and Cyber Division, na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli si Witt at napapanagot sa mga paratang laban sa kanya.

Patuloy namang hinihikayat ng FBI ang publiko na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Witt, na itinuturing na mahalaga sa kanilang operasyon ng pag-aresto.

Advertisement
Advertisement