Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng panibagong insidente ng hacking na kinasangkutan ng kanilang criminal database.
Ang National Crime Information Center (NCIC) database ay ginagamit ng mga lokal na law enforcement agency upang makapagbahagi ng mahahalagang impormasyon, kabilang ang mga arrest warrant at resulta ng background checks.
Hindi umano ito ang unang pagkakataon na naging target ng mga hacker ang sistema ng FBI.
Naganap ang panibagong data breach kasunod ng sunod-sunod na aberya sa teknolohiya na nakaapekto sa mga bangko, air traffic system at iba pang sektor sa United States.
Kaugnay rin ng mga pangyayaring ito, sinibak ni US President Donald Trump si National Cyber Director Sean Cairncross.
Matatandaang noong Setyembre ay iniimbestigahan din ng FBI ang umano’y cyberattack ng grupong ShinyHunters, na nagresulta sa pagnanakaw ng sensitibong impormasyon ng mga kawani ng bureau.














