Nabigo ang Pinoy weightlifter na si John Ceniza na makapag-uwi ng medalya matapos ang isinagawang 61kg weightlifting division sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics

Ang nasabing atleta ay nabigo sa kanyang tatlong attempt ng 125 kgs. snatch.

Sinubukan naman nito na humabol sa kanyang mga katunggali pero nabigo pa rin sa bandang huli.

Dahil dito, nagtapos na rin ang kampanya ni Ceniza sa Paris Olympics

Matatandaan, ito ang unang pagsabak ng Pinoy weightlifter sa nasabing Olympics