Bahagyang nadagdagan ang fuel inventory ng bansa sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan, kung saan sinabi ng Department of Energy na aabot na ito sa 50 araw.

Mas mataas ito kumpara sa naunang ulat na 45 araw lamang ang natitirang suplay ng langis sa bansa. Ayon sa pamahalaan, dulot ito ng karagdagang pag-angkat ng diesel mula sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ni Ralph Recto na nakabili ang bansa ng isang milyong bariles o katumbas ng 165 milyong litro ng diesel, habang 22.6 milyong litro naman ang naunang dumating mula sa Japan noong nakaraang linggo.

Tiwala naman si Sharon Garin na sapat ang kasalukuyang imbentaryo upang matugunan ang pangangailangan ng bansa habang hinihintay ang iba pang paparating na suplay sa mga susunod na linggo.

Advertisement
Advertisement