NAGA CITY- Patay ang isang ginang matapos na makuryente sa Real, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Merced Arogante, 53 anyos residente ng Purok Ilaya, Brgy. Pandan sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang isasaksak ng biktima ang outlet ng electric fan, ng magkaroon ito ng koneksyon o makadikit sa open wire na nagin rason para ito ay makuryente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, agad naman itong dinala sa ospital para sa asistensiya medikal ngunit ideniklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.