Iniulat na umabot na sa 490,334 ang bilang ng mga sundalong Ruso na nasawi mula nang magsimula ang kanilang pagsalakay sa Ukraine noong 2022, batay sa umano’y bagong datos na inilabas ng Russia.
Malayo ang naturang bilang sa naunang pahayag ni Russian President Vladimir Putin, na inaasahang matatapos lamang sa loob ng ilang araw ang kanilang operasyon sa Ukraine.
Ayon sa ulat, nakapasok ang mga hacker mula Belarus at Ukraine sa sistema ng statistics agency ng Russia. Lumabas umano sa nakuhang datos na mahigit 11 milyon ang naitalang namatay mula 2021 hanggang Setyembre 2026.
Kinumpirma naman ng Russian statistics agency na nakaranas sila ng cyberattack, ngunit itinanggi nitong may nailabas o naikalat na protektadong impormasyon.
Matatandaang matagal nang itinatanggi ng Moscow ang malawakang pagkasawi ng kanilang mga sundalo sa nagpapatuloy na digmaan laban sa Ukraine.








