Problema para sa mga residente ng Barangay Concepcion Pequeña ang pagdami ng mga asong gala kaya pinag-aaralan ang regular na paghuli sa mga ito tuwing Sabado upang maiwasan ang mga insidente ng pagkakagat at pagkalat ng rabies.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Hon. Claro Divizon, kagawad ng Barangay Concepcion Pequeña, sinabi nitong nagsasagawa rin sila ng mga aktibidad katuwang ang City Veterinary Office (CityVet) para sa pagbabakuna kontra rabies.

Ayon sa opisyal, may limang grupo ang CityVet na nagsasagawa ng pagbabakuna at tinatayang 400 doses ang naihahanda o nagagamit kada dalawang linggo.

Hinimok din niya ang mga residente na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga aso at tiyaking hindi nakakalabas at nagagala ang mga ito sa mga kalsada.

Advertisement

Binigyang-diin din ni Divizon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga residente at lokal na pamahalaan upang makontrol ang mga asong gala at maiwasan ang panganib ng rabies.

Advertisement