NAGA CITY- Nararanasa pa rin ang usad pagong na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Andaya Highway sa bayan ng Lupi, Camarines Sur, ngayong araw Disyembre 22.

Ito ay sa kabila ng tatlong araw na lamang bago ang pagsapit ng Pasko.

Kaugnay nito, inaasahan naman ang lalo pang pagsikip ng trapiko sa lugar habang papalapit ang pasko at bagong taon.

Ang nasabing trapiko ay dulot pa rin ng inaayos na at paggawa ng mga kalsada sa nasabing lugar.

Pinapayuhan naman ang lahat na mag-ingat sa biyahe at magdala ng dagdag na pasensya.