Photo © web

Inilabas ng International Criminal Court (ICC) ang agenda para sa nakatakdang status conference kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 27 bilang bahagi ng paghahanda sa paglilitis sa kasong crimes against humanity.

Ayon sa ICC, tatalakayin sa status conference ang mahahalagang usapin kaugnay ng paghahanda para sa trial ng dating pangulo.

Kabilang sa mga pag-uusapan ang mungkahing petsa ng pagsisimula ng paglilitis, bilang ng mga testigo at ebidensiya, expert witnesses, witness protection measures, disclosure obligations, at mga posibleng dagdag na insidente na maaaring isama ng prosekusyon sa kaso.

Nagtakda na rin ang Trial Chamber ng iskedyul para sa pagtalakay sa mga napagkasunduang facts, mga kinakailangang interpretasyon at salin ng dokumento, partisipasyon ng mga biktima, at iba pang mosyon na kailangang maresolba bago tuluyang simulan ang paglilitis.

Advertisement

Sinabi rin ng ICC na isasapubliko ang unang status conference ng kaso ni Duterte.

Gayunman, nilinaw ng mga hukom na maaaring gawing pribado ang ilang bahagi ng pagdinig kung may mga sensitibong usapin na may kinalaman sa seguridad at proteksiyon ng mga testigo.

Advertisement