Pinangalanan na ng International Criminal Court (ICC) si Peter Haynes bilang bagong legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kinahaharap nitong kaso sa international tribunal.

Si Haynes ay isang British barrister at kinikilalang eksperto sa larangan ng international criminal defense.

Nagsilbi rin siya noon bilang pangulo ng ICC Bar Association at may mahigit 30 taong karanasan sa paghawak ng mga kasong may kaugnayan sa international law.

Kabilang sa mga naging kliyente ni Haynes si Joseph Kony, isang Ugandan militant at warlord na namuno sa Lord’s Resistance Army.

Advertisement

Pinalitan ni Haynes si Nicholas Kaufman na naunang nagbitiw bilang lead counsel ni Duterte.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang ICC hinggil sa magiging susunod na hakbang sa depensa ng dating pangulo.

Advertisement