NAGA CITY – Kumpiskado ang iligal na droga, magazine at mga bala sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Sa Camarines Norte Police Provincial Office napag-alaman na nakumpiska sa suspek na kinilalang si Dionisio Dela Cruz, 47-anyos, residente ng nasabing lugar ang isang magazine ng caliber .45 na baril na mayroong pitong bala, tatlong sachet na mayroong laman na residue ng pinaniniwalaang shabu, dalawang selyadong pakete pakete ng pinaniniwalaang shabu at iba pang mga drug paraphernalia.

Tinatayang may bigat itong 1.5 grams at nagkakahalaga ng nasa P10,200.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.Top