NAGA CITY- Mahigpit na pagsasala ang pinagdaanan ng mga aplikante sa Philippine Military Academy bago tuluyang makapasok.

Ito ang sinabi ni Cynthia Hugo Turiano, ina ni Cadet 1st Class Faithe Turiano ng PMA Class of 2022 na tubong Iriga City, na nagtapos bilang pang-apat sa buong batch.

Dagdag pa ni Cynthia, sa una, tutol itong pumasok sa PMA ang anak dahil hindi kinaya ng kapatid na lalaki ni Faithe na una ng sumabak sa training para sa pagkasundalo.

Ngunit, desidido kasi umano si Faithe na pumasok at nangakong tatapusin ang nasimulan at magtatapos ng may parangal.

Kaya naman labis na lamang ang kanilang kasiyahan sa naging accomplishments ng dalaga.

Sa ngayon wala pang pinal na plano si Faithe pagkatapos ng graduation pero gusto umano nito na pumasok sa Philippine Military.