Inaasahang magkakaroon na naman ng panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan posibleng bumaba ng P3 hanggang P3.50 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina.

Nangyari ito dahil nanatiling mababa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, kasunod ng mga inaasahang sobrang suplay nito. Ito ay matapos dumami ang kargamento ng krudo mula sa mga terminal sa Gitnang Silangan na nasa labas ng Strait of Hormuz.

Nanaig ang sitwasyong ito sa kabila ng mga pangamba tungkol sa panganib sa pagbiyahe ng mga barko, dahil patuloy pa rin ang mga pag-atake sa makitid na daluyan ng tubig na ito.

Gayunpaman, maaari pang tumaas o bumaba ang inaasahang bawas-presyo depende sa galaw ng presyo ng langis sa natitirang isang araw ng trading.

Advertisement
Advertisement